Kinontra ni dating Traffic Czar Romeo Maganto ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) na tanggalin na ang number coding scheme.
Si Maganto ang bumuo sa number coding scheme noong 1996 kung saan may mga araw na bawal bumiyahe ang isang sasakyan depende sa huling numero ng kanyang plaka.
Itinuturing na matagumpay ni Maganto ang number coding scheme dahil ipinatupad aniya nila ito sa mga panahong masikip ang EDSA dahil sa konstruksyon ng MRT 3.
Bahagi ng pahayag ni dating Traffic Czar Romeo Maganto
Binalaan rin ni Maganto ang DOTr na baka mauwi sa rebolusyon kung itutuloy ang planong ipagbawal ang mga pribadong sasakyan sa EDSA tuwing rush hour.
Batay sa panukala ni Transportation Undersecretary Anneli Lontoc, kasabay ng pagtanggal sa number coding scheme ay huwag namang payagang gumamit ng EDSA ang mga pribadong sasakyan mula alas-6:30 hanggang alas-8:30ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Bahagi ng pahayag ni dating Traffic Czar Romeo Maganto
By Len Aguirre | Ratsada Balita