Kinumpirma ng Philippine Army na wala sa kanilang record si Edgar Matobato na umano’y miyembro ng Davao Death Squad na testigo na iprinisinta ni Senadoar Leila de Lima sa imbestigasyon at nagpakilalang CAFGU Scout Ranger.
Ayon kay Army Spokesman, Col. Benjamin Hao, wala ring tinatawag na Cafgu Scout Ranger tulad ng binabanggit ni Matobato.
Hindi anya maaaring maging Scout Ranger ang mga dating Cafgu at hindi rin pwedeng maging Cafgu ang mga dating Scourt Ranger.
Ipinaliwanag din ni Hao na hindi lang mga dating rebelde ang nagiging miyembro ng Cafgu kundi maging mga indigenous people o katutubo.
Ang Cafgu o Civillian Auxillary Force Geographical Unit ay mga sibilyan na kinukuha ng militar para maging force multiplier.
By: Drew Nacino