Walumpung (80) porsyento ng mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP) ang mayroong cellphone at gadgets noong kalihim ng DOJ si Senator Leila de Lima.
Sinabi ito ni dating Chief Insp. Rodolfo Magleo, sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Justice.
Bahagi ng pahayag ni Rodolfo Magleo
Isiniwalat din ni Magleo na ang mga nakakulong na foreigner na druglords ay mayroong Filipino counterpart na nag-aalaga sa kanilang local market.
Bahagi ng pahayag ni Rodolfo Magleo
Immunity
Samantala, pinagbigyan ng House Committee on Justice ang hiling ng mga abogado ng testigo na mabigyan sila ng immunity.
Ito ay matapos ihayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na bagamat wala silang ipinangako sa mga bilanggo na haharap bilang testigo, naniniwala siyang nararapat na mabigyan ng immunity ang mga ito.
Limitado aniya ang immunity sa mga sasabihin ng mga testigo sa loob ng pagdinig.
By Katrina Valle