Tatlong business establishment ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kabiguang magpagrehistro bilang mga taxpayer.
Ang mga ipinasarang establisyimento ROCD Roofworks Enterprises, EMJEI Construction, at The Good Stuff Events Specialist and Paradiso Beach House.
Dahil dito, tinatayang P460,000 ang deficiency VAT liability ng ROCD habang ang EMJEI ay may tax liabilities na P2.6 million at P1.3 million sa Good Stuff.
Ikinando ang mga naturang kumpanya matapos mabigong tumalima sa requirements na isinasaad sa 48-hour notice at 5-day VAT compliance notice.
By Drew Nacino