Tanging ang director lamang ng Bureau of Corrections ang makapagpapasya sa paglilipat ng mga inmates sa loob ng NBP o New Bilibid Prisons
Binigyang diin ito ni dating justice Undersecretary Francisco Baraan III matapos itanggi ang alegasyon ni NBP inmate Herbertt Colanggo na tumanggap siya ng kalahating milyong piso sa kada inmate na ililipat mula sa isang compound patungo sa isang lugar sa national penitentiary
Sinabi ni Baraan na wala siyang otoridad sa naturang usapin at hindi na aniya kailangan ang go signal ng Justice Secretary sa paglilipat ng mga bilanggo sa loob ng NBP
Hinamon ni Baraan si Colanggo na maglabas ng mga dokumento sa alegasyon nito laban sa kaniya
Hindi rin aniya nila kilala ang isang Susan na umanoy bahagi ng kaniyang technical staff
By: Judith Larino