Nanganganib na magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin kung babagsak pa ang halaga ng piso kontra sa dolyar.
Ayon kay Astro del Castillo, isang financial analyst, ito ang nakikita nilang epekto makaraang tumaas sa halos P48 ang palitan ng dolyar sa piso.
Isa pa anyang epekto ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Gayunman, ipinaliwanag ni del Castillo na mayroon ding positibong epekto ang pagtaas ng halaga ng dolyar kontra sa piso lalo na sa mga OFW’s.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Financial Analyst
Stock market
Samantala, pinawi naman ang pangamba sa pagbagsak ng halaga ng piso at ng stock market.
Ayon kay Astro del Castillo, Managing Director ng First Grade Holdings, Inc., nakikita nilang mas sisigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan dahil sa magandang sitwasyon ng kabuaang ekonomiya ng bansa.
Ipinaliwanag ni del Castillo na hindi na inasahan na nila ang paghina ng piso at financial market dahil sa unti-unting pag-angat muli ng ekonomiya ng Amerika kayat normal na lang na bumalik sa kanilang sistema ang mga pondo.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Financial Analyst
Sinabi ni del Castillo na bagamat nakakabahala, hindi maituturing na buwelta sa maanghang na pananalita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union at iba pa ang pagbagsak ng piso at financial market.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Financial Analyst
By Len Aguirre | Ratsada Balita