Posibleng maideklara nang Malaria Free ang Nueva Vizcaya
Ito ayon kay Dr Edwin Galapon ng provincial health office ay dahil wala nang naitatalang kaso ng Malaria sa lalawigan
Sinabi ni Galapon na nag tagumpay sila sa ikinasang eradication program partikular sa mga priority area tulad ng Alfonso Castanieda, Dupax Del Norte, Deupax Del Sur, Bagabag, Quezon at Diadi
Kahit ang simpleng pagpapakalat aniya ng mga mosquito net ay malaki ang naitulong sa pagbaba ng bilang ng kaso ng Malaria
Gayunman inihayag ni Galapon na tuluy tuloy pa rin ang pag aaral ng medical officers ng lalawigan para malaman kung may ibang na ospital sa ibang lugar dahil sa Malaria
By: Judith Larino