Nagdeklara ng state of emergency ang gobernador ng North Carolina sa Charlotte City, matapos lumala ang kaguluhan doon sa ikalawang gabi ng protesta laban sa pagpatay ng mga pulis sa isang Black American.
Binaril si Keith Lamont Scott ng isang Black officer noong Martes.
Ayon sa mga pulis, isang protester ang kritikal ang kondisyon ngayon dahil sa “civilian on civilian” shooting.
Si Scott ang ikatlong Black man na pinatay ng US police sa loob lamang ng isang linggo.
Ang nasabing pagpatay ang pinagmulan ng mga kilos protesta.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters