Inilarga na sa lungsod ng Maynila ang rescue training bago ang metrowide earthquake drill na ikakasa sa susunod na buwan.
Pawang mga rescuer ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at Local Government Units ang unang sumabak sa pagsasanay sa pamamagitan ng isang rescue skill olympics sa Rizal Park.
Ito’y upang mahasa ang mga rescue team ng iba’t ibang lungsod sa Metro Manila sa pagresponde sakaling tumama ang sinasabing “The Big One.”
Magugunitang pinulong ng MMDA ang ilang LGU official para sa ikakasang metrowide earthquake drill partikular sa mga lugar na nasa ibabaw mismo o malapit sa West Valley Fault.
By Drew Nacino | Aya Yupangco (Patrol 5)