Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Democratic Front Chief Negotiator Luis Jalandoni.
Dito ay napag-usapan ng dalawa ang nagpapatuloy na peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng NDF sa Norway.
Gayunman, tumanggi muna ang Pangulo na idetalye ang laman ng naging pag-uusap nila ni Jalandoni.
Sinabi ng Pangulo na ipinauubaya na nila ni Jalandoni ang magiging takbo ng peace talks sa peace panel negotiators ng gobyerno at NDF.
Ang formal peace negotiations ay magpapatuloy sa Oktubre 6 hanggang 8 sa Oslo, Norway.
By Ralph Obina