Inaasahang lalago ng 1.7 percent ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa mula sa automotive industry sa susunod na anim na taon.
Ito’y makaraang lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang executive order 182 o comprehensive automative resurgent strategy program na layong manghikayat ng mga micro-investment at maging manufacturing hub ng Asya ang Pilipinas.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang programa ay limitado sa mga manufacturer ng tatlong modelo ng 4-wheel motor vehicles.
Pinag-aralan aniya ang bentahe ng naturang programa at natukoy na makatutulong ito para sa dagdag na 200,000 trabaho para sa mga Pilipino.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)