Sinabihan ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ang United Nations na huwag manghimasok sa kung paano tinutugunan ng Administrasyong Duterte ang kampanya nito kontra iligal na droga.
Kaugnay nito, sinigurado ni Yasay sa UN general assembly na hindi kailanman pahihintulutan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga alagad ng batas na pumatay nang basta-basta.
Wala aniyang puwang ang extrajudicial killings sa Pilipinas.
Giit ni Yasay, hindi makakamtan ng Pilipinas ang mga pambansang mithiin nito kung hindi hahayaan ng mundo na harapin ng pamahaalan ang mga hamon.
By: Avee Devierte