Nakapipinsala umano ang labis na pag-inom ng alak sa utak ng isang may-edad.
Ayon sa mga eksperto mula University of Florida, mas mababa ang test score sa memorya, atensyon, at pagkatuto ng mga malakas uminom ng alak.
Toxic, anila, ang alak sa mga selyula ng utak, anuman ang edad.
Ngunit mas mapanganib kung masasabay sa mga gamot na iniinom ng mga matatanda.
Dahil dito, mas mainam, anila, kung iiwasan na lamang ang pag-inom ng alak ng mga may-edad na.
By: Avee Devierte