Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang dalawa pang advance signal jammers na ilalagay sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons kung saan nakakulong ang high profile inmates
Sinabi ni Aguirre na posibleng i install ang nasabing signal jammers sa Lunes o Martes ng susunod na linggo
2 Million Pesos aniya ang halaga ng kada isang signal jammer na uubrang i block ang 3G at LTE capable mobile phones
Ayon kay Aguirre ang mga naturang signal jammer ay donasyon ng isang good samaritan
By: Judith Larino