Iniimbestigahan na ng Department of Energy (DOE) ang malakihang pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Mindanao.
Kasunod ito nang monitoring ng DOE hinggil sa P12 na diperensya ng presyo ng gasolina sa ilang lugar sa Mindanao kumpara sa presyo sa Metro Manila.
Tulad ito ng P30 hanggang P31 pesos na presyo kada litro ng gasolina sa Davao, Cagayan de Oro, General Santos, Iligan, Cotabato, Dipolog at Butuan kumpara sa mahigit P40 pesos na presyo sa kalakhang Maynila.
Sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na posibleng may predatory pricing sa nasabing lugar.
Ang tinutukoy na predatory pricing ay paraan para umano patayin ang kumpetisyon upang ang mga maiiwang kumpanya ang magdidikta sa presyo ng petrolyo sa merkado.
By Judith Larino