Patay ang isang SAF trooper at gayundin ang isang notorious drug pusher sa anti-drug operation sa Patikul, Sulu.
Si PO2 Tirso Mantalaba ng 24th Special Action Company ay nasawi sa operasyon nang pagbabarilin ng isa sa mga suspek ang arresting team.
Kinilala naman ni Supt. Rey Ariño, 5th SAF Battalion Commander, ang nasawing drug suspect na si Anudin Akiran Daharani.
Ayon kay Ariño, nagsagawa ng ‘oplan double barrel’ ang mga pulis laban sa mga tulak ng droga sa Sitio Bullo, barangay Kaunayan ngunit nanlaban ang mga ito.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M1 garand rifle, isang cal.45 pistol, anim na umano’y sachet ng shabu, sampung magazine ng .30 caliber at mahigit 4,000 pesos na cash.
By: Jelbert Perdez