Mariing inihayag ni PNP Chief General Ronald Dela Rosa na kamatayan sa pamamagitan ng firing squad o bitay ang parusa para sa mga nagsu-supply ng armas sa Abu Sayyaf Group.
Kauganay nito, sinabi ng hepe ng pambansang pulisya na sisikapin niyang wakasan na ang iligal na pagbebenta ng mga armas at bala ng gobyerno sa mga kriminal.
Ito’y matapos makumpiska ang libu-libong balang pag-aari ng militar at mga matataas na kalibre ng armas mula sa umano’y supplier ng Abu Sayyaf na naaresto sa gilid ng Kampo Crame.
Kaya naman, gusto na ni Bato na ipapatay ang lahat ng mga tauhan ng gobyerno na iligal na nagbebenta ng mga armas at bala sa mga kriminal.
Samantala, ikinagalit ni Dela Rosa ang sinabi ng suspect na magkakampi sila dahil pareho silang taga-Mindanao.
Giit ni bato, hindi niya kailanman magiging kakampi ang mga kriminal kahit pa pareho sila ng pinaggalingan.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal