Nagsisipag-AWOL o nag-absence without official leave na ang ilang pulis na ipinatapon sa Mindanao.
Ito’y bunga umano ng seguridad at takot na sumunod na itumba matapos mapaslang ang ilan sa mahigit dalawang daang pulis sa Metro Manila na idinawit sa iligal na droga.
Binigyang diin naman ni PNP Chief Director General Ronald ‘bato’ Dela Rosa na hindi na dapat nag-pulis ang mga ito kung takot namang mamatay.
Kasama sa mga nagsipag-awol ang 29 na pulis mula sa Metro Manila at karamihan ay mula sa Quezon City Police District.
Sina SPO4 Marcelo Villagracia at PO3 Rolando Yulo ay pinagbabaril habang naglalakad patungo sa kanilang inuupahang bahay sa bayan ng Parang sa nasabing lalawigan.
Matatandaang pinaslang ang dalawa ring miyembro ng NCRPO na kabilang sa mga ipinatapon ni Dela Rosa sa A.R.M.M.
By: Jelbert Perdez