Handa na umano ang Philippine National Men’s Basketball Team na Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa 28th Southeast Asian Games, ngayong taon.
Subalit iginiit ni Coach Tab Baldwin na hindi dapat makuntento ang mga atleta sa kanilang nagawa sa mga nakaraang SEA Games.
Matatandaan na mula nang simulan ang basketball tournament sa SEA Games noong 1991 ay nakakasungkit na ang Pilipinas ng gintong medalya.
Naniniwala naman si Baldwin na may kakayahan ang Gilas na iduplika ang kanilang performance sa mga nakaraang torneo lalo pa’t makakasama muli ng koponan si naturalized player Marcus Douthit.
By Jelbert Perdez