Naglunsad ng earthquake drill ang MMDA o Metro Manila Development Authority sa Intramuros, Maynila.
Ipinakita ng MMDA ang kanilang mga magagarang kagamitan sa pagsasagawa ng rescue operations sa mga lugar na maaaring may bumagsak na istraktura sakaling magka-lindol.
Isinagawa ang naturang praktis laban sa lindol ng mga rescuers malapit sa tanggapan ng DPWH o Department of Public Works and Highways.
By Jelbert Perdez | Aya Yupangco (Patrol 5)