Maaaring lehitimo ang ilang claims ng China.
Ito ang pahayag ni United States President Barack Obama sa Young Southeast Asian Leaders Initiative Fellows Program kung saan tinalakay ang mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Bagama’t sinabi niya ito, wala siyang tinukoy na partikular kung alin sa mga inaangkin ng Tsina ang maaaring ikonsiderang pag-aari nito.
Matapos naman itong sabihin ni Obama, muli siyang nanawagan na itigil ang paniniko sa iba pang claimants sa rehiyon dahil ito’y counter-productive o nagpapalayo sa nais nakamit na mapayapang solusyon.
Giit pa niya, maaaring walang claim ang Amerika, ngunit titiyakin pa rin nitong mareresolba ang maritime dispute sa paraang maayos, diplomatiko, at naayon sa pandaigdigang batas.
By Jelbert Perdez | Kevyn Reyes