Umapela ang Department of Justice (DOJ) na iwasan muna ang mga ispekulasyon sa nangyaring riot sa maximum security cell ng New Bilibid Prison (NBP) na ikinasawi ng convicted drug lord na si Tony Co at ikinasugat ng apat na iba pa kabilang na si Jaybee Sebastian.
Ayon kay Justice Undersecretary Reynante Orceo, nangako ang PNP CIDG na tapusin ang imbestigasyon hanggang sa susunod na linggo.
Tiniyak ni Orceo na kasama sa sinisilip ng PNP CIDG ang pahayag ng abogado ni Sebastian na nanganganib ang buhay ng kanyang kliyente sa loob ng Bilibid.
Sa ngayon anya ay naka-full alert na ang buong NBP at naka-total lockdown ang Building 14 kung saan naganap ang riot.
Sinabi ni Orceo na ipinag-utos na rin nila ang drug test sa lahat ng sangkot sa riot upang malaman kung totoong nagkakaroon pa rin ng pot session sa Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Usec. Reynante Orceo
Situation in Bilibid
Hindi matiyak ni NBP OIC Chief Supt. Rolando Asuncion, na hindi na mauulit ang riot na nangyari sa Building 14, kahapon.
Ayon kay Asuncion, ito ay dahil sobrang sikip na ng mga kulungan at labis nang naapektuhan ang mga inmate.
Sinabi din ni Asuncion na sa kabila nito, wala din silang kakayanan na i-segregate ang mga inmate ayon sa kanilang kaso.
Bahagi ng pahayag ni NBP OIC Chief Supt. Rolando Asuncion
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Karambola