Walang plano ang DILG na alisin ang PNP Special Action Force sa NBP o New Bilibid Prison
Kasunod ito ng umanoy riot sa NBP na ikinasawi ng isang drug lord at pagkasugat ng Apat na iba pa
Sa katunayan sinabi ni DILG Secretary Mike Sueno na plano pa nilang dagdagan ang tropa ng SAF sa NBP para hindi na maulit ang naturang insidente
Mismong ang Pangulo na aniya ang may gustong pagbantayin sa NBP ang SAF
Iginiit naman ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na payag siyang palawigin ang panahon ng pagbabantay ng SAF subalit kailangang palitan lamang ang mga kasalukuyang tauhan duon para iwas familiarization
By: Judith Larino / Jonathan Andal