Bahagyang bumagal ang bagyong may international name na Chaba habang papalapit sa PAR o Philippine Area of Responsibility
Ayon sa PAGASA ang nasabing bagyo ay pinakahuling namataan sa layong dalawang libo, dalawandaan at limang kilometro silangan ng Luzon
Taglay ng nasabing bagyo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa pitumput limang kilometro kada oras at may pagbugsong umaabot sa siyam naput limang kilometro kada oras
Ang nasabing bagyo ay kumikilos pa kanluran sa bilis na dalawampung kilometro kada oras
Bagamat hindi inaasahang tatama sa alinmang bahagi ng Pilipinas maaari pa ring paigtingin ng bagyo ang mga pag ulan dahil sa paghatak sa Habagat
By: Judith Larino