Itinanggi ni Moro National Liberation Front (MNLF) Spokesman Emmanuel Fontanilla na hiniling ni MNLF Chairman Nur Misuari sa pamahalaan ang bigyan ng amnestiya ang Abu Sayyaf.
Sinabi ni Fontanilla na hindi nila ito gagawin lalo na at mayroon nang mga naunang kasunduang pinasok ang pamahalaan at ang MNLF.
Bahagi ng pahayag ni MNLF Spokesman Atty. Emmanuel Fontanilla
Binigyang diin ni Fontanilla na ang naturang pahayag ay maaaring gawa at ipinakalat lamang ng mga grupo na nais magpabagsak ang peace process.
Bahagi ng pahayag ni MNLF Spokesman Atty. Emmanuel Fontanilla
Malaysia
Samantala, ibinunyag ni MNLF Spokesman Emmanuel Fontanilla na nais pabagsakin ng Malaysia ang peace process sa pagitan ng Pilipinas at MNLF.
Ayon kay Fontanilla, hindi itinatago at pinopondohan din ng Malaysia ang naturang hakbang.
Binigyang diin ni Fontanilla na ginagawa ito ng Malaysia dahil tiyak na muling babawiin ni MNLF Chairman Nur Misuari sa Malaysia ang Sabah.
Bahagi ng pahayag ni MNLF Spokesman Atty. Emmanuel Fontanilla
By Katrina Valle | Ratsada Balita