Target ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front na malagdaan ang final peace agreement bago matapos ang July 2017.
Ayon sa pinuno ng government peace panel na si Labor Secretary Silvestre Bello III, gagawin ng bilateral at permanent ang unilateral ceasefire.
Ito’y para wakasan na ang hostility sa pagitan ng mga NPA at tropa ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Bello, natutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng pulong nila ng mga opisyal ng CPP NPA NDF sa Malacañang dahil napagkasunduan nang tatapusin ang peace talks sa kalagitan ng 2017.
Ayon pa kay Bello, susunod na tatalakayin ang tinawag niyang puso at diwa ng peace process, ang social economic reforms.
By: Avee Devierte