Higit pang lumakas ang bagyong ”igme” habang tinutumbok ang katimugang Japan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,130 kilometers sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay ni “igme” ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong isang daan at anim na pung kilometro kada oras.
Makakaranas naman ang western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga ng mga katamtamang pag-ulan at thunderstorms.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na hindi na tatama sa kalupaan o magla-landfall ang bagyong “igme” sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahan namang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang naturang bagyo, bukas ng umaga o hapon.
By: Jelbert Perdez