Nakatakdang ipatapon sa Mindanao ang 67 pang pulis na isinangkot sa illegal drug trade.
Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, patuloy pa rin sa kanilang illegal activities ang mga hindi pinangalanang pulis sa kabila kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.
Isiniwalat ni Albayalde na isa sa mga ‘narco cops’ ay naaresto sa pangongotong ng tatlong daang libong Piso mula sa mga kamag-anak ng isang drug suspect.
Una nang ibinunyag ni PNP Chief DIRECTOR General Ronald dela Rosa na mahigit isang daan nang “ninja cops” ang nailipat na sa Mindanao.
Giit ni Dela Rosa, idinawit ang mga nabanggit na pulis sa drug peddling at pagre-recycle ng illegal drugs na nasasabat mula sa mga police operations.
By: Jelbert Perdez