Ibinigay na sa aktres na si Angelina Jolie ang kustodiya ng mga anak nila ng aktor na si Brad Pitt.
Nagkasundo umano ang mag-asawa na kay angelina mapupunta ang anim nilang anak.
Ayon sa mga ulat, nabigyan naman ng visiting rights si Brad.
Magiging epektibo ang naturang kasunduan sa Oktubre a-bente.
Samantala, sasailalim sina Angelina at Brad sa one-on-one counseling.
Matatandaang nag-file ng diborsyo si Angelina dahil umano sa pagmamarijuana at madalas na pag-inom nito ng alak.
By: Avee Devierte