Naihatid na sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park sa Marikina si dating Senator Miriam Defensor-Santiago.
Dakong alas-4:05 ng hapon nang maipasok ang kabaong ng senadora sa kanyang puntod.
Inilagak ang labi ng yumaong senadora katabi ng puntod ng kanyang anak na si Alexander.
Sinalubong ng kanyang mga supporters na tinawag na “red warriors” ang pagpasok ng karo sa Loyola Memorial Park lulan ang labi ng senadora.
Nasa 100 metro ang haba ng mga sasakyan na sumunod sa funeral procession.
Kapansin-pansin din sa prosesyon ng senadora ang isang heart-shaped object kung saan nakapaskil sa gitna ang kanyang larawan.
Inabangan din ng ating mga kababayan ang prosesyon ng namayapang senadora.
Naging emosyunal naman ang lahat lalo na ang mga youth supporters ng senadora nang mailagak na ang bangkay nito sa kanyang puntod.
Naghulog naman ng confetti ang Philippine Air Force (PAF) sa lugar kung saan inilibing ang dating senadora.
By Mariboy Ysibido