Labis na nababahala ang CHR o Commission on Human Rights sa posibleng pagpapalabas ng umanoy sex video ni Senador Leila de Lima sa pagdinig ng Kamara sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons sa October 5
Ayon sa CHR dapat na i respeto ng mga Kongresista ang karapatan ng mga kababaihan at itigil na ang paggamit ng kaniyang kapangyarihang mag imbestiga in aid of legislation para i discriminate at violence against women
Sinabi ng CHR na ang pagpapalabas ng nasabing umanoy sex video ay malinaw na paglabag sa Republic Act 9995 o anti photo and video voyeurism law
Ang anitoy banta pa lamang na pagpapalabas ng nasabing sex video ay maituturing ng paraan ng psychological violence
Dahil dito nanawagan ang CHR sa mga lider ng Kamara at maging kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tuparin ang obligasyon nila sa ilalim ng international human rights law na isulong ang karapatan ng mga kababaihan, burahin ang diskriminasyon at karahasan laban sa mga kababaihan at ipatupad ang kanilang tungkulin bilang mambabatas na dapat sumunod sa batas
By: Judith Larino