Pinag – aaralan na ng Pilipinas ang posibleng pagkuha sa Russia, bilang isa sa mga pangunahing bagsakan ng agriculture products, katulad ng saging at mga gulay.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, layunin nitong makapaghanap ng mga bansa na maaring maging trading partners ng Pilipinas.
Sinabi ni Dominguez na ang paghahanap ng mga bagong merkado ay bahagi ng pagbubukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pinto ng Pilipinas sa mas maraming foreign investors.
By: Katrina Valle