Umabot na sa 1,364 ang naka-quarantine sa South Korea habang 30 ang kumpirmadong may kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Kaugnay nito, nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring lumawak pa ang MERS outbreak sa nasabing bansa.
Dalawa na ang namatay matapos mahawa ng respiratory virus sa South Korea, ang pinakamalawak na mers outbreak sa labas ng Saudi Arabia.
Ayon sa South Korea Education Ministry, mahigit sa 540 eskwelahan na ang nagsara upang maiwasan na ang pagkalat ng nasabing virus.
By Mariboy Ysibido