Pasok na sa PBA Finals ng Governors’ Cup ang Meralco Bolts matapos talunin ang Tropang TNT sa score na 94-88.
Hindi na pinabayaan ng Bolts ang makatabla pa ang TNT sa serye kaya tinapos na nila ito 3-1 sa kanilang best of five semifinals round.
Bida sa panalo ng Bolts ang ginawang 32 points ni Cliff Hodge.
Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang Bolts sa Finals.
Hihintayin nila ang mananalo sa pagitan ng Barangay Ginebra at San Miguel Beermen na maghaharap sa Game 5 bukas.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: PBA Images