Mahigit dalawampu (20) katao ang patay sa nangyaring pagsabog sa isang kasalan sa northern Syria.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga nasawi ang mismong groom habang marami sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon.
Hindi pa batid sa ngayon kung ang pagsabog ay dulot ng explosive device o ng suicide bomber.
Sinasabing isa sa mga lider ng Kurdish party ang napatay na groom.
By Ralph Obina