Walang namamataang sama ng panahon sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang ridge of High Pressure Area ang nakakaapekto sa Luzon na nagpapalala sa init.
Dahil dito bahagyang magkakaroon ng maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pagkulog, pagkidlat lalo na sa dakong hapon ang buong bansa.
Samantala, pumalo sa 52.5 degrees celcius ang heat index o ang init na naramdaman sa Cabanatuan kahapon ng alas-2:00 ng hapon.
Ayon sa PAGASA malapit na ito sa extreme danger level kung saan mas malaki ang peligro sa heat stroke.
Sa Metro Manila umabot naman sa 40 degrees celcius ang maximum heat index.
Sabi ng PAGASA na bukod sa ridge of High Pressure, dumarami na rin ang moisture sa ere dahil papalapit na ang tag-ulan kaya nagiging mas maalinsangan ang panahon.
By Mariboy Ysibido