Nasa fighting mood na naman si Pangulong Rodrigo Duterte at muling nagpakawala ng banat laban sa Amerika at European Union.
Sa kanyang pagharap kahapon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, hayagang inilatag ng Pangulo ang kanyang disgusto sa Amerika sa kabila ng pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Muling binigyang diin ng Pangulo na ang nagbukas na joint military exercises kahapon sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino ay ang kahuli-hulihan sa kanyang termino.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sa huli, nagpaliwanag ang Pangulo kung bakit ganuon na lamang ang pinakakawalang banat niya laban sa Amerika na isa sa matindi niyang kritiko sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
US
Muling sinagot ng Amerika ang panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Barack Obama.
Ayon kay US State Department Spokesman John Kirby, hindi na sila nagugulat sa mga “patutsada” ni Duterte at maka-ilang beses na rin naman silang nagbigay ng tugon.
Tila isa anyang kabaligtaran ang mga pahayag ng Pangulo sa mainit na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyang administrasyon.
Tiniyak ni Kirby na nananatiling matatag ang ugnayan ng dalawang bansa sa kabila ng “walang kapagurang” pagbanat ni Duterte sa Amerika.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23) | Drew Nacino