Bigo ang Department of Foreign Affairs o DFA na matugunan ang mabagal na pagpo-proseso sa mga pasaporte
Ito ang binigyang diin ng Federation of Manpower Exporters o Fedamanex dahil sa anila’y nagpapatuloy pa ring kalbaryo ng mga Overseas Filipino Workers o OFW
Ayon kay Manny Geslani, tagapagsalita ng Fedamanex, nananatiling mahaba ang pila sa DFA consular office sa Aseana City sa Pasay gayundin sa iba pang regional offices nito
Hindi rin aniya makatuwiran ang mga hinihining rekesitos o demands na hinihingi ng mga DFA offices sa iba’t ibang panig ng bansa na siyang nagpapabagal sa proseso ng pasaporte
Kabilang aniya sa mga hinihinging dagdag na requirements ay mga identification o ID cards tulad ng SSS, Drivers License at Voters ID sa kabila ng pagsusumite ng mga aplikante ng NSO authenticated birth o marriage certificate
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco