Libu-libong netizen ang lumagda sa isang petisyon na humaharang sa appointment ni dating Makati City 1st District Rep. Teodoro “Teddy” Locsin sa United Nations.
Isang netizen na nagpakilalang Jov Quio mula Dublin, Ireland ang umapela sa pamamagitan ng online petition platform na change.org.
Ito’y dahil sa tahasan umanong pagtatanggol sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maituturing na ‘anti-semitic lingo’, “anti-white” at isang uri ng racial discrimination.
Ayon kay Quio, maikukunsidera ring “racist” si Locsin dahil sa pangungunsinte nito kay Duterte na kamakailan ay inahalimbawa ang mga Hudyo sa mga kriminal sa Pilipinas.
Iginiit ng mga netizen na hindi umano tinataglay ng dating kongresista ang asal, pag-iisip at diwa ng mga Filipino kaya’t wala itong karapatang magsilbi sa publiko.
By Drew Nacino