Nangako si WBO welterweight Champion Jessie Vargas na kanyang pababagsakin sa eight round si 8-division World Champion Manny Pacquiao sa kanilang sagupaan sa Nobyembre.
Ayon kay Vargas, ito aniya ay para patunayan na mali ang inaaakala ng ilan na madali siyang matatalo ng Pambansang Kamao.
Binigyang diin ni Vargas na handing-handa na siya para labanan si Pacquiao.
Naniniwala si Vargas na ang laban kay Pacquiao ang magiging daan para sa kanyang kasikatan.
By Ralph Obina