Isang malaking eruption ang naitala sa Mount Aso sa Kumamoto Prefecture, Japan.
Nagbuga ng abo, lava at malalaking bato ang nasabing bulkan na umabot sa labing-isang libong metro ang taas o mahigit isang kilometro mula sa crater.
Itinaas ng Japan Meteorological Agency sa level 3 ang eruption alert mula sa level 2 at ibinabala ang isa pang malakas na pagsabog gaya kahapon na maaaring magdulot ng pyroclastic flows.
Samantala, walang naitalang casualty o fatality habang lumikas na ang mga residente sa paanan at paligid ng bulkan kabilang ang mga nasa Oita at Kagawa prefectures.
Ito ang unang beses na pumutok ang Mount Aso simula pa noong 1980.
By: Drew Nacino