Ayaw patulan ng Malacanang ang actress na si Agot Isidro matapos tawaging Psychopath si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na karapatan ni Isidro na magpahayag ng kanyang opinyon.
Ang ganitong mga pananaw aniya ang sinisikap na harapin ni Pangulong Duterte, ang nakadepende at umaasa lamang sa tulong ng mga dayuhang bansa.
Sinabi ni Abella na ang nais ng Pangulo ay maging ganap na independent ang mga Pilipino sa aspeto ng ekonomiya, sa kaisipan at sa aspetong panlipunan.
By: Aileen Taliping