Mahalagang ibigay na ang 13th month pay ng mga manggagawa sa unang bahagi ng Nobyembre.
Ito ang panawagan ng isang mambabatas sa mga employer sa pribadong sektor.
Giit ni Quezon City Rep. Winston Castelo, dapat agahan ang pagbibigay ng 13th month pay para maagang makapamili ang mga empleyado.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Castelo na maiibsan ang paglala ng pagsisikip ng daloy ng trapiko o “carmageddon” sa kalakhang maynila sa pagpasok ng holiday rush.
Kung mabibigay umano ang 13th month pay sa unang linggo pa lamang ng Nobyembre ay maaga ring mapaplano ng mga manggagawa ang kanilang Christmas shopping.
By Jelbert Perdez