Malapit nang matapos ang ipinapagawang drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Ito ang ibinida ng Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y pinondohan ng gobyerno ng China.
Inamin ng Pangulo na hindi niya batid na ang China ang nagpondo sa pagpapagawa ng nasabing pasilidad.
Magugunitang inatasan ng pangulo ang AFP Upang buksan ang kanilang kampo para gawing rehabilitation center para sa mga lulong sa droga.
Tinatayang aabot sa 1500 ang lulong sa ipinagbabawal na gamot kayang iaccommodate ng rehabilitation center.
By: Drew Nacino