Pursigido ang Pilipinas na maka-himok ng mas maraming Chinese at iba pang foreign investment na isang pagkakataon upang makamit ng bansa ang itinuturing na “Golden Moment.”
Sa pagharap sa World Bank and International Monetary Fund meeting sa Washington, sa US, inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na pangunahing prayoridad ang makahikayat ng Chinese investments sa Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing sa October 19 hanggang 21.
Kabilang anya sa tatalakayin sa pagbisita ni Duterte sa Tsina ang potential Chinese investment sa isang bagong railway system na magdurugtong sa Metro Manila sa Southern Luzon, power grids at iba pang proyekto.
Maaaring idaan ang investments sa pamamagitan ng bagong multilateral development lender na Asian Infrastructure Investment Bank subalit kailangan pang ratipikahan ng kongreso ang membership ng bansa sa AIIB.
By: Drew Nacino