Duda si Senador Panfilo Lacson na kayang mag survive ng Pilipinas kahit mawala ang military aid mula sa Estados Unidos.
Ayon kay Lacson, subok na ng panahon ang commitment ng US sa pagtulong sa Pilipinas.
Nagpahayag ng pagasa si Lacson na muling pag iisipan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang sinabi nito na puputulin na nya ang pakikipag ugnayan saUS at sa European Union.
Sinabi ni Lacson na maaari namang makipag alyansa sa iba pang mga bansa nang hindi pinuputol ang alyansa sa Amerika at Eu.
By: Len Aguirre / Cely Bueno