Tinatalakay na ng mga Kongresista ang mga inihaing panukalang may kaugnayan sa FOI o Freedom of Information Bill
Nakasalang na sa House Committee on Public Information sa unang pagdinig ang tatlumput FOI bills, isang FOI resolution na inihain sa kamara at 23 privilege speeches ng mga Kongresista hinggil dito
Sinasabing posibleng maging basehan sa diskusyon ng komite ang bersyon ng 16th congress na naipasa lamang sa committee level
Una nang nagpalabas ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order para sa FOI sa lahat ng mga nasasakupan ng executive branch
By: Judith Larino