Pumalo na sa 900 gramo ng shabu ang nakukumpiska ng Southern Police District mula nang magsimula ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Batay ito sa kanilang record mula July 1 hanggang October 9, 2016.
Ayon sa Southern Police District, sa mga residente ng Muntinlupa nagmula ang pinakamaraming shabu na kanilang nakumpiska na sinundan ng Taguig, Paranaque, Makati, Las Piñas, Pasay, at Pateros.
Bukod sa shabu, 1000 gramo ng marijuana ang nakuha na mula sa mga nasabing drug operation.
Samantala, mahigit sa 1600 suspek sa iligal na droga ang naaaresto na ng Southern Police District.
At 72 drug suspect ang nasawi.
By: Avee Devierte / Allan Francisco