Hindi apektado ang Malacañang sa bahagyang pagbaba ng trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na survey ng Social Weather Stations.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na bagamat nabawasan ang trust rating ng Pangulo, nananatili pa rin itong excellent kumpara kay dating Pangulong benigno Aquino III na nakapagtala lamang ng very good trust rating.
Ayon kay Andanar, nasa kategoryang excellent pa rin ang net trust rating ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng gobyerno.
Batay sa SWS survey na ginawa noong Septempber 24 hanggang 27, nakakuha ang Pangulo ng 83 percent trust rating mula sa dating 91 percent noong July.
Wala namang komento ang palasyo kung ang pagbaba ng trust rating ng Pangulo ay may kinalaman sa mga banat at maaanghang na salita laban sa European Union, United Nations at kay US President Barack Obama.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping