Nagpapatuloy ang kalakalan ng illegal drugs sa New Bilibid Prisons o NBP.
Nakumpirma ito matapos ang isinagawang Oplan Galugad sa Medium Security Compound ng NBP.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, lumalabas na lumipat lamang sa Medium Security Compound mula sa Building 14 at Maximum Security Compound ang kalakalan ng illegal drugs.
Maliban sa mga cellphones, nakuha sa isang selda ang larawan ni Senador Leila de Lima habang kausap si Froilan Trestiza, isa sa mga inmates na tumestigo at nagdiin sa kanya sa imbestigasyon ng House Committee on Justice.
By Len Aguirre